Custom Search

1st Game of Philippine Azkals VS. Al-Azraq Kuwait



Nakakalungkot po, ang ating Philippine Azkals team ay natalo sa laban kagabi vs. Al-Azraq Kuwait team. Natambakan tayo sa score na 3-0. Masakit para satin yon, pero ganyan talaga ang laro may panalo may talo. Pauwi na ng Pilipinas ang Azkals team para magsanay para sa 2nd game. May pag-asa pa tayong bumawi, may laban ulit ng 2nd game at good news dito gaganapin sa ating bansa this coming Thursday sa Rizal Stadium.

I am happy watching the game last night. I am not an avid fan of a foot ball game, pero kagabi nanood talaga ako at nagenjoy ako ng panonood kahit natalo ang Azkals. Based sa nakita ko sa laro nila kagabi, medyo kulang pa sa training ang Azkals. Magagaling ang Kuwait kasi organized sila maglaro, hirap ang Azkals na bawiin ang bola once na napunta sa Kuwait team. At kung nasa Azkals naman ang bola madaling nababawi ng Kuwait ang bola at ganun na naman hirap silang bawiin ulit.

Hanga din naman ako sa depensa at opensa ng azkals, they did their best talaga para ipanalo ang game nagkataon lang na magagaling ang Kuwait, mataas ang ranking ng Kuwait compared sa ranking ng Azkals.

So, do your best for the second time around Azkals. Go Azkals!!!! :)

0 comments:

Post a Comment

I love to hear and read your comments. Please leave a nice comments..:)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Grants For Single Moms